-- Advertisements --
Ibinunyag ng US-based experts na nagtatapon ng mga basura gaya ng dumi ng tao ang ilang daang barko ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Liz Derr, ang founder and CEO ng Simularity, sa araw-araw sa loob ng ilang taon ay nagtatapon ng mga dumi ang mga Chinese ships na siyang sumisira sa Chlorophill-a blooms sa tubig.
Dagdag pa nito na lubhang nakakabahala ang ginagawang ito ng China.
Dahil aniya sa ginagawa nito ng China ay nasisira ang mga coral reef sa nasabing lugar.
Si Derr ay eksperto sa geospatial analysis at nagbibigay ng satellite data imagery ng nasabing pagtatapon ng dumi Chinese vessel sa West Philippine Sea.
Umaasa ang grupo ni Derr na mabigyan ito ng pansin ng gobyerno para agad na ito ay maaksyunan.