-- Advertisements --

Namataan ang dose-dosenang mga barko ng China na nagkukumpulan pa rin sa loob mismoAyungin shoal isang araw matapos ang insidente ng pambobomba ng tubig o water cannon laban sa mga barko ng Pilipinas noong weekend.

Ayon kay Ray Powell, dating US senior defense official, naispatan ang kumpulan ng nasa 11 barko ng China na visibe sa loob ng ayungin shoal habang dose-dosena naman ang nasa labas ng naturang shoal.

Aniya, ang hindi pangkaraniwang malaking bilang ng mga barko ng China sa loob mismo ng ayungin shoal ay lumalabas na show of force o pagpapakita ng pwersa ng China.

Paliwanag pa ng dating US defense official na karamihan sa mga sa Chinese vessels na humaharang sa barko ng PH ay karaniwang bumabalik sa karatig na base ng mga ito sa oras na lumisan na ang resupply boat ng PH at mga escorts nito.

Subalit niton weekend aniya ay nananatili ring nagkukumpulan ang mga ito ng karagdagang 24 oras o hanggang hapon ng Lunes bago tuluyang bumalik sa Mischief reef kung nasaan ang artificial island ng China.

Una ng inulat din ng PH Coast Guard na nag-deploy ang China ng pinakamalaking bilang na umaabot sa 46 ng kanilang mga barko para pigilan ang pinakahuling resupply mission ng ating bansa.