Mahigpit na inaalam ngayon ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenazana ang napaulat na may mga Chinese research ship ang namataan sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Sinabi ng kalihim na base ito sa nakalap na impormasyon ng maritime patrols sa lugar.
Tiniyak nito ang palagiang pagsuporta ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng Northern Luzon Command sa Philippine Coast Guard at ilang ahensiya sa kanilang pagpapatrolya.
Ikinokonsidera kasi ng bansa na ang Scarborough Shoal na bahagi ng Masinloc, Zambales kung saan ito ay matatagpuan sa 124 nautical miles ng kanlurang bahagi ng probinsiya na ito ay idineklara bilang traditional fishing ground ng iba’t-ibang bansa ng international arbitration court.