-- Advertisements --
Ibinunyag ng National Security Council (NSC) na mayroong 150 na barko ng China ang nananatili sa West Philippine Sea.
Isinagawa ng NSC ang pagsisiwalat sa deliberasyon ng 2022 budget sa House of Representatives.
Ipinagtangol ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon ang NSC sa ginagawang pagtatanong ni Gabriela Rep. Arlene Brosas.
Dagdag pa ni Biazon na pawang mga pag-aari ng mga sibilyan ang mga barko dahil sa wala itong mga tatak.
Dagdag pa nito na inirerekomenda rin ng NSC ang pagbili pa ng mga barko sa militar para maipakalat sa lugar.