Nanatili ang mga barko ng China sa malayong distansiya sa kasagsagan ng joint maritime exercises na isinagawa ng Pilipinas at France noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, walang barko ng People’s Liberation Army Navy, China Coast Guard o maritime militia malapit sa lokasyon ng multilateral cooperative activity sa pagitan ng French Navy at Sandatahng Lakas ng Pilipinas.
Napanatili aniya ng mga barko ng China ang distansiyang mahigit 120 nautical miles.
Inihayag naman ni Rear Adm. Trinidad na ang kawalam ng presensiya ng Chinese vessels sa joint drills ay nagpapakita ng benepisyo ng international cooperation sa rehiyon.
Napansin din aniya na humuhupa ang ‘illegal at coercive actions’ ng Chinese warships sa tuwing mayroong multinational exercises kasama ang ibang mga bansa.
Matatandaan na isinagawa noong Pebrero 21 ang maritime exercise sa pagitan ng Pilipinas at France, ang ikatlong sunod na linggo ng joint maritime activities ng AFP sa West Philippine Sea.