-- Advertisements --

Aktibo na rin ngayon sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea ang mga barko ng Philippine Navy.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na ang ginagawang pagpapatrolya ng mga barko ng navy sa may Kalayaan Group of Island ay bahagi ng sub routinary activities ng militar.

Layon nito na bantayan ang teritoryo at pangalagaan ang soberenya ng bansa.

Naka deploy ngayon sa West Philippine Sea ang barkong pandigma ng Pilipinas ang BRP Gregorio Del Pilar.

Sinabi ni Padilla na salitan ang deployment ng mga barko ng navy na nagpapatrolya sa may Kalayaan Group of Islands.

Nilinaw ni Padilla na walang kinalaman sa pagbisita ng Defense secretary at ng AFP chief of staff sa Pag-asa Island ang deployment ng BRP Gregorio del Pilar.

Una ng sinabi ni AFP chief of staff General Eduardo Año na dadagdagan niya ang pwersa ng militar na idedeploy sa Kalayaan Group of Islands lalo na ngayon na magtatayo ng mga istruktura at isasaayos na ang mga facilities sa walong isla at isang reef.