-- Advertisements --

Umiiwas na ngayon ang mga barkong may kargang krudo sa pagdaan sa Red Sea sa gitna ng kanilang mga paglalayag.

Kasunod ito ng mga insidente ng pag-atake ng Houthi militants ng Yemen gamit ang mga drone at missile sa ilang mga barkong nagdadaan sa lugar.

Batay ito sa vessel tracking data ng isang US-led coalition na tumutulong sa pagpapaigting sa pagbabantay sa mga barkong dumadaan sa Red Sea laban sa mga pag-atake ng naturang militanteng grupo.

Sa naturang data ay kapansin-pansin na napipilitan tumahak ng mas malayong ruta sa bahagi ng southern tip ng Africa na nagreresulta naman ng pagdami ng bilang ng mga barkong dumadaong sa mga pantalan ng nasabing bansa.

Kung maaalala, may 17 Filipino seafarers din na kabilang sa mga sakay ng isang Japan-owned ship ang nabiktima ng pananalakay ng Yemen rebel group na Houthi at hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin sang ginagawang pakikipagnegosasyon ng mga kinauukulan sa naturang mga rebeldeng grupo para sa pagpapalaya sa mga kababayan nating mga tripulante.