-- Advertisements --
Nagpasya ang gobyerno ng Moscow na isara ng dalawang buwan ang mga bars, clubs at mga restaurants.
Ito ay para mapigil ang pagkalat ng coronavirus.
Ayon kay Moscow Mayor Sergei Sobyanin, na ang nasabing hakbang ay dahil sa pumalo na sa mahigiti 20,000 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa loob lamang ng isang araw.
Paglilinaw ng alkalde na isasara lamang ang mga ito sa oras ng alas-11 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.
Magsisimula ang nasabing bagong restrictions mula Nobyembre 13 hanggang Enero 15.