-- Advertisements --
Papayagan na sa Japan ang mga fans ng baseball at football na manood sa mga laro.
Magsisimula kasi sa darating na Biyernes ang mga laro ng football at baseball.
Ilan sa mga pagbabago ay dapat hanggang 5,000 na audience lamang o 50% lamang ang kabuuang populasyon ng nasabing capacity ng stadium.
Ayon kay Mitsuru Murai, ang namumuno ng soccer league sa Japan na kanilang oobserbahan ang kalagayan ng laro at kung may mga pagbabago ay kanila agad itong ipapatupad.
Magugunitang noon pang Hunyo 19 ay nagsimula ang ilang mga laro sa Japanese baseball matapos ang halos apat na buwan na delay.