Plano ngayon ng Major League Baseball na itigil ang mga laro dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga manlalaro at staff na nadadapuan ng coronavirus.
Sinabi ni MLB commissioner Rob Manfred, na kanilang pinag-uusapan na ang pagtigil ng mga laro dahil sa maraming mga manlalaro ang hindi sumusunod sa ipinapatupad na health protocols.
Sinabi ni Manfred na kapag hindi pa mapigil pagtaas ng kaso ay kanilang ititigil ang mga laro sa simula sa susunod na linggo.
Magugunitang ilang laro na ang kinansela matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang mga manlalaro.
Isang halimbawa dito ang 20 manlalaro ng Miami Marlins ang nagpositibo sa coronavirus.
Magugunitang noong Hunyo ay ipinagpatuloy ang mga laro sa baseball base na rin sa kahilingan ni US President Donald Trump.