-- Advertisements --

Maraming mga basketball experts ang naniniwala na makukuha ng Philadelphia 76ers ang panalo sa game 7 ng Eastern Conference semifinals playoffs laban sa Atlanta Hawks.

Isang malaking kadahilinan nito ay dahil sa hawak nila ang homecourt advantage.

Habang nais bumawi ang Sixers sa pagkatalo nila noong 2019 sa Toronto Raptors noong Game 7 din sa second round ng Playoffs.

Magugunitang natapos na sana ng Sixers ang serye kung saan lamang sila ng 18 points noong Game 4 at 26 points noong Game 5 subalit nahabol ito ng Hawks.

Gaganapin ang Game 7 mamayang 8 a.m. oras sa Pilipinas.