-- Advertisements --
Ibinalik ng Sri Lanka ang mga basurang galing sa United Kingdom.
Nadiskubre ang 263 na containers ng basura noong 2017 na ito ay mula sa isang pribadong kumpanya.
Nakasaad sa nasabing containers na naglalaman ito ng mga carpets, mattresses at mga basahan.
Ayon kay Sri Lankan Customs spokesman Sunil Jayaratne, na lumabag ang UK sa international at European Union rules and regulations on hazardous waste and disposal.
Magugunitang noong Enero ay ibinalik din ng Malaysia ang 42 containers ng mga basura na galing sa UK.