-- Advertisements --

Muling pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development ang publiko na huwag kunsintihin ang pagpapalimos sa mga bata at katutubo sa mga lansangan.

Tuwing holiday season kasi ay talamak ang mga bata at katutubo sa mga lansangan para mamasko at mamalimos sa mga motorista.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kapag nanatili ito sa lansangan ay nalalagay sa panganib ang kanilang mga buhay dahil sa mga sasakyan.

Giit pa ni Dumlao na malinaw na ipinagbabawal sa batas alinsunod sa Presidential Decree No. 1563, o Anti-Mendicancy Law ang pagbibigay ng limos sa mga tao sa lansangan at religious organization na nanlilimos sa mga kakalsadahan.

Kung hindi aniya maiiwasan ay magbigay na lamang ng regalo , pagkain, magsagawa ng medical missions at makipag ugnayan sa mga LGUs.