-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagluluksa ngayon ang mga mamamayan sa naturang bansa matapos ang nangyaring stampede sa pagdiriwang ng taunang Lag B’Omer religious festival.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Harold Agbayani, isang caregiver sa Israel at tubong Jones, Isabela na sa ngayon ay mayroon ng 44 na nasawi habang 150 ang nasugatan matapos ang nangyaring stampede hatinggabi ng Huwebes sa naturang bansa.

Aniya, ang selebrasyong ito ay ginagawa ng mga Jews bawat taon sa loob ng isang linggo at marami ang dumadayo kaya naman marami rin ang nagkahiwa-hiwalay na magkakamag-anak lalo na ang mga bata.

Nagpapasalamat naman sila dahil walang nadamay na Pinoy sa naturang pangyayari.

Ayon sa kanya, ngayon lang naman ito nangyari mula ng ipagdiwang ang naturang religious festival.