-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tumanggap na ng scholarship allowance ang 13 na mga batang biktima ng lindol sa Barangay, Ilomavis, Kidapawan City.

Mismong si Governor Nancy Catamco ang namahagi ng mga ito sa napiling mga benepisaryo ng Provincial Scholarship program.

Laking pasalamat ng mga iskolar dahil may magagamit na umano sila ng pambili ng school requiremnts nila at iba pang gastusin sa pag-aaral.

Ang bawat isang iskolar ay nakatanggap ng tig P6,000 para sa isang semester.

Si Maricel B. Damo na kasalukuyang nag-aaral sa USM-KCC sa pamamagitan ng online learning ay labis na nagpapasalamat sa Gobernador dahil may magagamit na rin umano siya sa mga kakailanganin nito sa Online learning.

Si Maricel ay isang working student dahil hindi siya kayang pag-aralin ng mga magulang nito. Nag-aaral ito habang ginagawa ang mga gawaing bahay. Kaya napakalaking bagay sa kanya ang natanggap na scholarship allowance sa Probinsya.

Matatandaan na binigyang prayoridad ng Gobernador ang mga istudyanteng aplikante ng scholarship na labis na natamaan ng nakaraang lindol.