-- Advertisements --
Simula ngayong Pebrero 18 ay papayagan na ang mga batang edad 11 pababa na makapasok sa mga pampublikong parke sa Valenzuela City.
Ayon sa Valenzuela City LGU na maaaring makapasok ang mga bata bakunado man o hindi basta kasama nila ang mga magulang o guardian na fully vaccinated.
Ang mga batang edad 12 pataas ay dapat fully vaccinated na para makapasyal sa mga pampublikong parke.
Pinaalalahanin din nila ang mga magtutungo sa mga parke na obserbahan ang minimum health protocols.