Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas ng bahay at makapunta sa mga lugar-pasyalan ang mga batang edad lima pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa mga outdoor areas na maaring puntahan ng mga batas ang mga parke, playgrounds, beaches, biking and hiking trails, outdoor tourist sites and attractions na tutukuyin ng Department of Tourism, outdoor non-contact sports courts and venues, at al-fresco dining establishments.
Ayon kay Sec. Roque, ang mga mixed-use indoor/outdoor buildings at mga pasilidad gaya ng malls at kahalintulad na establisimiyento ay hindi kasama sa mga outdoor areas para sa mga bata.
Idinagdag pa ni Sec. Roque na ang mga bata ay dapat binabantayan ng mga nakatatanda at sundin ang mga minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks at social distancing.
“The Inter-Agency Task (IATF) on Thursday, July 8, 2021, allowed children, ages 5 and above, under the risk classification of Modified General Community Quarantine (MGCQ) and General Community Quarantine (GCQ), except those under heightened restrictions, to go to outdoor areas,” ani Sec. Roque.
“Outdoor areas shall be limited to parks, playgrounds, beaches, biking and hiking trails, outdoor tourist sites and attractions as may be defined by the Department of Tourism, outdoor non-contact sports courts and venues, and al-fresco dining establishments in the previously mentioned areas.”