Bumuwelta ang Young Guns o mga batang Kongresista ng Kamara de Representantes sa naging pahayag ni Senate Minority Leader Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay ng komento ng mga ito sa kontrobersyal na bagong gusali ng Senado.
Naniniwala ang mga kongresista na inililihis lamang ni Pimentel ang isyu.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na halos lahat pumabor sa desisyon ni Senate President Chiz Escudero na suspendihin muna ang construction ng bagong Senate building habang isinasagawa ang komprehensibong pag review.
Hindi naman maintindihan ng mga kongresista kung bakit nagagalit sa kanila si Senator Pimentel.
Sa panig naman ni House Assistant Majority Leader Rep. Jil Bongalon (Ako-Bicol Partylist), hindi anoya makatwiran na ilihis ang usapin gaya ng ginawang pagkumpara ni Sen. Pimentel sa pondo ng Senado at Kamara de Representantes.
Punto pa ng Young Guns hindi nila responsibilidad na depensahan ang alokasyon at ginawang paggastos ng Senado sa kanilang budget.
Ayon naman kay La Union Rep. Paolo Ortega, mahalaga ang transparency at accountability lalo at lumubo ang gastos ng construction sa P23.3 billion mula sa original na allocation na nasa P8.9 billion.
Dagdag pa ni Ortega na ang pahayag ni Senator Pimentel ay distraction mula sa core issue at ito ay ang responsableng paggamit ng pondo ng gobyerno.