CAUAYAN CITY– Pagkakalooban ng tig- P1,000 Department of Education Batanes ang mga bata na naapektuhan ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Eduardo Escurpiso, ang Schools Division Superintendent ng DepED-Batanes, sinabi niya na mayroon na silang nalikom na 1.5 million pesos na donasyon mula sa Schools Division ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Aniya, prayoridad nilang mabigyan ang mga namatayan, nasugatan, nasirahan ng bahay na mga guro at mga batang mag-aaral sa Itbayat, Batanes para maayudahan ang kanilang pangangailangan.
Una ng nabigyan ng P20,000 ang pamilya ng dalawang estudyanteng namatay dahil sa lindol.
Tiniyak pa niya na maibibigay ang pera sa mga apektadong residente ng Itbayat.
Sa ngayon ay may mahina pa ring aftershocks silang nararanasan.