-- Advertisements --
Aabot na sa 6.5 milyon mga bata na may edad 12-17 ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr na ang nasabing bilang ay katumbas ng 32 percent ng nasabing age group.
Ikinakatuwa nito ang nasabing mataas na bilang dahil sa makakalabas na ang mga bata sa kanilang bahay at darami na rin sa kanila ang makakapag-aral ng face-to-face.
Sa kabuuan ay mayroong 39.5 milyon sa 77.1 milyon na target population ng bansa ang nabakunahan at nasimulan na ring mabigyan ng booster shots sa ibang grupo.