Pumalo na sa 7,143 ang kabuuang bilang ng mga menor de edad na may edad na 12 hanggang 17-anyos ang nabakunahan na laban sa COVID-19 virus sa lungsod ng Maynila.
Sa inilabas na datos ng lokal na pamahalaan ng Maynila, aabot na sa 53,325 ang kasalukuyang bilang ng mga kabataan na nagnanais na mabakunahan laban sa nakakamatay na virus.
Isinasagawang inoculation para sa mga menor de edad sa Ospital ng Tondo, Gat Andres Bonifacio, Medical Hospital, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.
Pinapayuhan ang mga kabataan na magpapabakuna na magdala ng valid ID, birth certificate o school ID, printed waiver form o QR code at medical certificate para sa mga menor de edad na may comorbidities sa kanilang mga vaccination schedule.