-- Advertisements --

Ikinabahala ang grupong Save the Children na nasa mahigit 21,000 na bata ang nawawala sa Gaza mula ng magsimula ang giyera doon.

Ayon sa non-government organization na maaring nasa mahigit 4,000 na bata ang posibleng natabunan ng mga gumuhong gusali na nasira noong kasagsagan ng giyera.

Habang nasa 17,000 naman ang pinaniniwalaang nahiwalayn sa kanilang mga pamilya.

Habang tumitindi ang ginagawang opensiba ng Israel sa Gaza ay lalong dumarami ang bilang ng mga nawawalang mga bata.

Magugunitang una ng sinabi ng United Nations na hindi ligtas para maging tahanan pa ng mga bata ang Gaza dahil sa matinding kaguluhan.