-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paglilinis ng Manila City government sa mga street children sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.

Sa pinakahuling operations ng mga kapulisan, 12 mga street dwellers at mga tinaguriang solvent boys.

Pinick-up ang mga ito sa kahabaan ng CM Recto Ave sa Binondo.

Dinala ang mga ito sa Manila Department of Social Welfare.

Patuloy ang ginagawang pag-iikot ng PNP sa iba’t-ibang pangunahing lansangan ng Metro Manila para mailinisan ito ang mga street dwellers.

Pinayuhan din ng mga otoridad ang barangay na pagsabihan din ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak na huwag magpalaboy-laboy sa kalsada.