CEBU CITY – Ikinagalak ng isang tubong taga Lipa, Batangas ang pagtutulungan ng mga Batangueno at ng mga LGU’ s sa kanila’ng mga naapektahan ng pagsabog ng Bulkang Taal na ngayon ay nasa alert level 4 na.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Mabel Aguila, 38 taong gulang, sinabi nito na bagamat labas na sila sa 14 km danger zone radius, malaki pa rin ang epekto sa kanilang pangkabuhayan ang ash fall.
Ito’y dahil ang Taal Volcano Island at Taal Lake umano ang kanilang pinagkukunan ng kanilang mga pagkain.
Lalong-lalo na ang kanilang turismo.
Ngunit nilinaw naman ni Aguila na tinulungan na sila ng LGU’s at natutuwa siya sa ipinapakita nitong pagtulong sa kapwa dahil hindi umano nito inuuna ang kanilang mga sarili.
Sa ngayon, medyo kalmado pa umano ang sitwasyon sa Lipa, Batanggas ngunit inabisohan sila ng pamahalaan na hangga’t maari, kung walang importanteng pupuntahan ay mananatili nalang sa loob ng bahay at panatilihing naka face mask.
Nakahanda na rin umano sila sa kung ano man ang mangyari.