CENTRAL MINDANAOm(agsilikas ang mga residente na nakatira sa mga mababang lugar o malapit sa kailugan dahil sa matinding pagbaha nitong gabi ng Huwebes sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM-Cotabato) na maring
Malakas ang buhos ng ulan, sinabayan pa ng kulog at hangin kaya nakadama ng takot ang mga residente.
Umapaw rin ang mga kailugan dahil sa pagragasa ng tubig baha.
Agad namang kumilos ang LGU-Pigcawayan at Libungan katuwang ang mga rescue units, BFP, PNP, AFP at mga force multipliers at tumulong para mailigtas ang mga naipit sa baha.
Umapaw rin ang baha sa national highway sa Barangay Batiocan Libungan Cotabato kaya stranded ang mga commuters.
Matatandaan na unang binaha ang mga bayan ng Alamada, Kabacan at Pikit, Cotabato.
Ang mga lumikas sa baha ay temporaryong nakatira sa gilid ng national highway, mga paaralan at mga kamag-anak nila na nasa ligtas o mataas na lugar.
Ngayong umaga ay nakatakdang mamahagi ng tulong ang LGU-Cotabato sa mga sinalanta ng baha.