GENERAL SANTOS CITY – Nagpatuloy ang assessment ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council kasama ang mga ahensiya ng gobyerno para matukoy ang mga bahay at mga public buildings na nasira sa magnitude 6.8 magnitude na lindol.
Sinabi ni Office of The Civil Defense 12 Spokesperson Jorie Mae Balmediano na hindi pa kompleto ang hawak na data dahil di pa tukoy ang totally damage pati ang partially damage.
Pinakilos na ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Council para makumpirma ang mga nasira sa nagdaang pagyanig.
Sa pagkakataong ito may P329M ng damage subalit magkakaroon pa ng revalidation kasama ang Department of Education at Department of Public Works and Highways para matukoy kung ilang classroom ang apektado.
Posible rin na muling magpatupad ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis dahil sa posibilidad na tumaas ang danyos sa imprastraktura.
Nalaman na nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Glan at Malapatan na hinihintay ng LGU-Sarangani para mapailalim na rin ang lalawigan sa state of calamity.