-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lubog na sa tubig baha ang mga bayan sa Iloilo na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 dahil sa Bagyo Dante.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jerry Bionat, Provincial Risk Reduction and Management Officer sa Iloilo, sinabi nito na kabilang sa mga bayan na lubog sa tubig baha ay ang bayan ng Balasan, Carles, Estancia, at Batad.

Ayon kay Bionat, hindi na madaanan ang ilang kalsada sa nasabing mga bayan.

Kaagad namang inilikas ang mga pamilya na apektado ng baha lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog at sapa.