Ikinabahala ng maraming residente sa Italy ang biglaan at mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Sa tala ng bansa ay nasa mahigit 150 na ang nag positibo sa sakit habang tatlo naman ang namatay.
Ayon kay Karen Taylor ng Central Italy sa panayam ng Star FM Baguio, tama lang umano ang pagkakaroon ng lockdown sa maraming bahagi ng bansa.
“There are major lockdowns in the North, and that is absolutely right to do. To get this virus under control in Italy so it doesn’t cause more damage.”
Sinabi naman ni Daniela Marchiotti mula Lombardi, Italy na hindi nila inasahan ang mabilis na pagkalat ng sakit sa nagdaang weekend pa lamang.
“Yes, I’m scared. Yes, I’m worried. I hope it will be over soon. No, I would never have imagined something like that would happen in Italy.”
Nasa 12 na mga bayan sa Italy ang nagdeklara ng lockdown, samantala nasa 50,000 na mga katao ang under quarantine. Ilan sa mga malalaking aktibidad sa bansa katulad na lang Venice Carnival Festival ay nakansela para maiwasan ang tuluyang pagkalat ng sakit.