CENTRAL MINDANAO- Lomobo pa ang pinsala sa nararanasang mga aftershock ng 6.3 na lindol na yumanig sa probinsya ng Cotabato.
Unang nagdeklara ng State of Calamity ang mga bayan ng Makilala at M’lang North Cotabato.
Sinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Tulunan North Cotabato na sentrong inuga ng 6.3 magnitude na lindol.
Ito mismo ang kinumpirma ni Tulunan Municipal Mayor Reuel Limbungan.
Sa ginawang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Desaster Risk Reduction and Management Office,pulisya,Sangguniang bayan at ibang ahensya ng gobyerno nagkasundo ito na magpalabas ng resolusyon na nagdidiklara ng State of Calamity.
Pinaburan naman ni Mayor Limbungan na isailalim sa state of calamity ang bayan ng Tulunan para agad magamit ang calamity fund na dagdag na tulong sa mga residente na grabeng sinalanta ng lindol.
Una nang namahagi ng tulong ang LGU-Tulunan,sinundan ng Provincial Government,DSWD at ang panghuli ay si Senador”Bong”Go.
Nangako naman si Go na madadagdagan pa ang tulong ng gobyerno sa pamamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng lindol lalo na yong mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan.
Inaliw naman ni Senador Go at ang artistang si Philip Salvador ng isang awitin ang mga biktima ng lindol sa bayan ng Tulunan para maibsan naman ang kanilang problema.