-- Advertisements --
Dagupan City- Red tide free na ang mga baybayin ng Anda at Bolinao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, binawi na na ang shellfish ban sa mga nabanggit na bayan.
Ito ay matapos nag negatibo sa paralytic shellfish poison ang mga nabanggit na baybayin.
Ibig sabihin ay ligtas nang kumain ng shellfish.
Maaari ng mag harvest at magbenta ng mga lamang dagat mula sa nabanggit na baybayin.
Halos isang buwan ding naapektuhan ng red tide ang kabuhayan ng ilang mangingisda at negosyante mula ng magsimula ang red tide noong April 26 ng taong kasalukuyan.