-- Advertisements --

Isinara ng Moroccan government ang ilang mga beaches dahil sa muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Kinabibilangan ito ng mga dinarayong dagat sa Sale at sa Rabat.

Ang nasabing pagsasara rin ng mga sikat na dagat ay kasunod na ipinatupad na rin ng panibagong lockdown sa ilang pangunahing lungsod.

Noong nakaraang Hulyo kasi ay nagtala ng panibagong 1,000 kaso ng coronavirus ang naitatala kada araw.

Umaabot na rin sa kabuuang 43,558 na kaso ang naitala at 681 na ang nasawi matapos dapuan ng COVID-19.