Pinangunahan ng mga artista at beauty queens na nagsilbing mga muse ng iba’t-ibang team ang pagbubukas ng 45th season ng PBA.
Naging muse ng TNT KaTropa si 2013 Miss Universe Philippines Ariella Arida habang napili ng Columbian Dyip si 2019 Reina Hispanoamericana Katrina Llegado.
Naging muse ng Phoenix Pulse ang singer na si Sara Geronimo-Guidicelli habang Magnolia Hotshots naman ang napili ni Kathryn Bernardo.
Rumampa naman si Sanya Lopez bilang muse ng Barangay Ginebra habang napili ng Meralco Boltz si 2019 Miss Globe 2nd runner-up Leren Mae Bautista habang SEA Games taekwondo gold medalist Pauline Lopez ng NLEX Road Warriors at napili naman si Alyssa Muhlach ng San Miguel Beermen.
HIndi naman nagpahuli ang vlogger na si Zowie Pallier na napili ng Alaska Aces, habang si Christine Patrimonio naging muse ng NorthPort at Joy Wu sa Black Water.
Nirepresenta naman ng Rain or Shine nina Miss Asia Pacific International 2019 Chaiyenne Huisman at Mutya ng Pilipinas 2019 Kylza Castro.