-- Advertisements --

May Kaniya-kaniyang paraan sa pagtulong sa mga apektado ng coronavirus pandemic ang mga beauty queen sa bansa.

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach/ IG post

Katuwang ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang Young Focus Philippines na namigay ng bigas sa mga daily wage earners na hindi nakapasok sa trabaho dahil sa enhanced community quarantine.

Nagpamigay naman ng mga face masks, N95 masks at face shields para sa mga healthcare workers an lumalaban sa COVID-19 si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Nangangalap naman ng pondo si Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup para makabili ng personal protective equipment sa mga health workers.

Kasama naman ni Miss World Megan Young ang ilang mga chef na namigay ng mga pagkain sa mga frontliners ganun din tinulungan ang mga Aetas na magbenta ng mga gulay at prutas.

Naglunsad naman ng “Your 200 pesos” donation drive si 2018 Miss Globe Philippines Michele Gumabao para makalikom ng pondo para sa mga mahihirap na pamilya at mga walang bahay.

Suportado naman nina two-time Bb. Pilipinas 2nd runner-up Samantha Bernardo at Miss Eco International 2019 first runner-up Maureen Montagne ang pagpapakain sa mga hirap na pamilya sa Palawan at Siargao.