BAGUIO CITY – Mangiyak-iyak ang mga benepisaryo ng Bombo Medico 2019 sa lungsod ng Baguio na nakatanggap ng wheelchairs, crutches, cane, pustiso, eye glasses, tsinelas, lotions, at iba pa.
Naiyak dahil sa labis na tuwa ang mga nakatanggap ng wheelchairs gaya na lamang ng isang dialysis patient na hirap maglakad at ang magulang ng isang 10-month old na batang babae na may malubhang celebral palsy.
Magkakaroon na rin ng mas maayos na crutch ang isang 58-anyos na taxi driver na pilay maglakad dahil sa pagkaaksidente nito nitong siyang tatlong taong gulang pa lamang.
Inihayag din ng iba pang benepisaryo ang kanilang taus-pusong pasasalamat sa Bombo Radyo at Star FM dahil itinuturing nilang malaking tulong ang libreng serbisyo at gamot na kanilang natanggap.