-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsagawa nang barikada ang ilang mga residente sa paanan ng Mount Apo sa Kidapawan City sa hinihingi nilang 20% royalty share.

Daan-daang mga land owners sa Brgy Ilomavis, Kidapawan City ang nagprotesta sa kalsada paakyat ng Energy Development Corporation (EDC).

Ang 20% o katumbas ng halos P7 million to P8 million share na mula sa EDC ay idina-download sa Manobo Apao Descendants of Ancenstral Domain of Mt. Apo (MADADMA).

Pero sa lebel ng MADADMA, 5% na lamang daw ang nakalaan para sa daan-daang mga landowners, bagay na hindi naipaliwanang sa aabot sa 116 na mga land owners na sakop ngayon ng EDC.

Namagitan na ang National Commission on Indigenous People (NCIP) upang pag-usapan at talakayin ang hinaing ng mga nagmamay-ari ng lupa.

Nabatid na ang 701 hektarya kung saan nakatayo ang site ng EDC ay pagmamay-ari ng mga humaharang na mga tribong Manobo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang negosasyon para matapos na ang problema sa pagitan ng EDC at mga katutubo.