-- Advertisements --
Pinapayagan na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan na batiin ang mga biyahero.
Sinabi ni immigration spokesperson Dana Sandolal, na walang masama ang pagbati ngayon Kapaskuhan dahil ito ay kultura na ng mga Pilipino.
Subalit paglilinaw niya mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga personnel ng anumang regalo mula sa publiko.
Una ng ipinagbawalan ng BI ang kanilang mga personnel ng kapaskuhan dahil maaaring negatibo ang magiging interpretasyon ng mga pasahero na nanghihingi ng pamasko sa kanila.