-- Advertisements --

May kaparaanan na ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) para maiiwas ang mga kabataan sa pagbili ng mga vapes at ilang tobacco products sa online.

Ayon sa DTI na mayroon na silang kautusan na inilabas para sa mga online sellers kung saan marapat na magparehistro muna ang mga ito bago bumili ng nasabing mga produkto.

Sa ilalim ng Department Order 24-05 na lahat ng mga online sellers ay marapat na atasan ang mga customers nila na magparehistro bago nila bentahan ang mga ito.

Tanging papayagan lamang na makabili ng nasabing mga tobacco products ay ang may edad 18 pataas.

Tiniyak din ng DTI na kanilang babantayan ang lahat ng mga online sellers kung saan mahaharap ang mga ito sa mabigat na kaparusahan.