-- Advertisements --
Hihingi pa rin ng negative COVID-19 RT PCR test result ang gobyerno ng Malay, Aklan sa mga fully vaccinated na turista.
Sinabi ni Malay mayor Frolibar Bautista, na hanggang wala pang unified vaccination card na may security codes ay magiging epektibo pa rin ang nasabing requirements.
Maari pa rin kasi aniyang pekehin ang vaccination card gaya ng ginagawa ng ibang tao sa COVID-19 test results.
Ang hakbang ay kahit na niluwagan ng gobyerno ang panuntunan sa interzonal travel para sa mga fully-vaccinated persons kabilang ang mga senior citizens.