-- Advertisements --

Hahanapan na ng Senado ng medical certificate ang sinumang bibisita at magtutungo sa kanilang gusali simula sa Oktubre 1.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Aniya, dapat 24-oras bago magtungo sa kanilang opisina ay maisumite na sa Senate Sergeant-at-Arms ang kanilang medical certificate.

Bilang pagsunod din sa city ordinace ng Pasay City, dapat magsuot din ng face shield.