LEGAZPI CITY- Hindi maghkamayaw ang ilang mga Bicolano lalo na ang mga delegado mula sa lalawigan ng Masbate matapos masungkit ng Masbateña athlete na si Bianca Gebilagiun ang pinaka unang gintong medalya para sa Bicol region.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Legazpi sa nakatatandang kapatid nito na si Ana Marie, proud umano siya sa ipinakitang galing ng kaniyang kapatid sa Javelin throw.
Aniya hindi nasayang ang matagal na pagsasanay nito at mga sakripisyo upang makarating sa Palarong Pambansa.
Samantala, sa hiwalay na panayam kay Department of Education Bicol Project Development Officer Mark Kevin Arroco, sinabi niyo na kumpiyansa sila na mas maraming medalya pa ang masusungkit ng rehiyon sa iba pang mga individual at team sports.
Paliwanag ng opisyal na matagal ang ginawang paghahanda ng mga atleta kaya kumpiyansa sila na magpapakita ang mga ito ng magandang performance.
Samantala, aminado si Arroco na naninibago ang mga atleta sa maulan na panahon na nararanasan ngayon sa Marikina na nagreresulta pa sa pagkaka kansela ng ilang mga events.
Ayon sa opisyal, ito ang unang pagkakataon na ginawa ang Palarong Pambansa sa buwan ng Agosto dahil karaniwan aniya itong ginagawa tuwing summer season kaya hindi gaanong nagkakaroon ng problema.