-- Advertisements --

Target mg Department of Transportation (DOTR) na paliwigin pa ang mga bicycle lane sa Metro Manila.

Kasama ng ahensya ang Department of Public Works (DPWH), Committee on Transportation (COTr) at ilang mga civil society organization ay isinagawa nila ang pag-ikot sa iba’t ibang bicycle lane sa Metro Manila.

Inikot ng grupo ang dalawang pangunahing bahagi ng Metro Manila Bike Lane Network na nagmumula sa C-5 patungong EDSA at dumaan sa Shaw Boulevard at Roxas Boulevard.

Magugunitang maraming mga local government unit sa National Capital Region (NCR) ang nagsusulong ng mga ligtas na bike lanes sa kani-kanilang mga lugar.