-- Advertisements --

Hatid ng ilang mga bigating Original Pilipino Music (OPM) artists ang isang special New Year’s Countdown concert ngayong gabi sa Quezon Memorial Circle.

Ala-una ng hapon ay nagsimulang papasukin ang mga manonood sa event area. Kitang-kita ang excitement ng mga dadalo para tunghayan ang mga performances ng mga kilalang OPM artists tulad nina Ely Buedia, Ben&Ben, Gloc 9, Kean Cipriano, Kamikazee, at marami pang iba.

Libre ang admission ng New Year’s countdown concert kaya naman doble rin ang ginagawang seguridad ng mga awtoridad.

Sa exclusive interview ng Star FM Manila kay Colonel Remegio Gregorio, sinabi nito na siniguro nila na magiging ligtas ang selebrasyon ng New Year’s Countdown ngayong gabi.

Inaasahan na lolobo sa 30,000 na attendees ang dadagsa para sa QC New Year’s Countdown to 2025.