Tumaas pa ang bilang ng pinaniniwalaang bihag ng Palestinian militant group na Hamas sa Gaza.
Ayon kay Daniel Hagari, tagapagsalita ng Israel Defense Forces (IDF) na nasa tinatayang 229 na ang bihag ng mga Hamas simula ng maglunsad ng sorpresang pag-atake ang grupo sa estado ng Israel noong Oktubre 7.
Sa kasalukuyan, tanging nasa apat pa lamang ang pinalaya ng Hamas.
Una ng pinalaya ang mag-inang American nationals na sina Judith Raanan at 17 anyos na anak nitong babae na si Natalie.
Sumunod naman na pinalaya noong Lunes, Oktubre 3 ang 2 matanda na Israeli nationals na sina Yochved Lifshitz, 85 anyos at 79 anyos na si Nurit Cooper.
Samantala, sinabi ng World Health Organization na base sa data na natanggap nito mula sa pinapalakad na health ministry ng Hamas sa Gaza, nasa 7,000 katao na ang napatay doon kung saan 40% sa kanila ay mga bata.