Pinapagamit umano ng ilegal na droga ang mahigit 100 biktima ng human trafficking na nailigtas ng mga awtoridad sa isla sa Sulu.
Ang droga raw ay para magtuloy-tuloy sa trabaho ang mga biktima.
Batay sa awtoridad, isang malaking sindikato ang nasa likod ng operasyon at kabilang pa sa mga biktima ay ang 20 na menor de edad.
Taong 2014 daw nang magsimulang mang-recruit ang umano’y sindikato, ayon sa isang nailigtas na biktima. Na engganyo naman daw sila dahil binigyang sila ng 15,000 kahit hindi pa nakapagsisimula sa trabaho.
Dinala daw sila sa malayong isla ng Tubalubac Island sa Sulu.
Pagkarating sa isla, pinagtatrabaho raw sila ng walang bayad at para maging listo sa trabaho dahil sa ilang oras na pagkapuyat, puwersahan silang pinapagamit ng droga.
Pinalalaot sila sa dagat mula 4 p.m. hanggang 5 a.m. Ngunit imbes na pera, bigas ang ibinibigay na bayad sa kanila para sa kanilang serbisyo.
Maging ang mga menor de edad ay wala ring ligtas dahil pinagtatrabaho rin daw ang mga ito, pinaglalaba, pinagbibilad at pinagkakaliskis ng isda.
Hindi naman daw makatakas noon ang mga biktima dahil armado daw ang amo nila at may mga bangkang panghabol kung sakaling tumakas sila.
Nito lamang nakaraan buwan, nakatakas ang kasamahan nilang si James Deiparie na pitong oras na nagbangka patungong Jolo at doon nakapagsumbong.
Nagsagawa naman agad ng operasyon ang PNP Zamboanga at iba pang ahensiya. At nang marating nila ang isla, dito nila nailigtas ang mahigit 100 biktima ng human trafficking.
Gayunman, nabigo ang mga awtoridad na mahuli ang itinuturong nasa likod ng sindikato matapos na makatakas ang mga ito.
Sa kabila nito, itutuloy pa rin ng pagsasampa ng kaso laban sa sinasabing namamahala sa isla at kumuha sa mga biktima. Tutulungan naman ng lokal na pamahalaan na makapagsimulang muli ang mga nailigtas