ROXAS CITY – Dumulog sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ang mga biktima ng illegal recruitment sa lalawigan ng Capiz, para i-reklamo si Ramilyn Andrade at Korean boyfriend nito na si Kim Tae Hyeong.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni Doroteo Lafortaleza.
Maliban sa CIDG dumulog rin sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga biktima para ipaabot ang panlolokong ginawa ni Andrade sa umaabot 263 na mga indibiwal na pinangakuang tutulungan na makapagtrabaho sa South Korea bilang factory workers, kapalit ng malaking halaga na ibinayad kay Andrade.
Pinasalamatan rin ng mga biktima ang Bombo Radyo dahil sa pagfacilitate na makapunta sila sa Manila at makahingi ng tulong sa abogado.
Napag-alaman na karamihan sa mga biktima ng illegal recruitment ang nagresign sa kanilang mga trabaho matapos pinangakuan ng sweldo na umaabot sa P170,000 kada buwan.