-- Advertisements --
DAVAO CITY – Pinayuhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) regional director Alex Roldan ang mga nabiktima ng investment scams na mas mabuti umanong magsampa na lamang ng reklamo at iwasan ang pagpatay.
Ito ang pahayag ni Roldan matapos na itinuro ang investment scams sa mga nangyaring pagpatay sa Tagum City lalo na at maraming mga investors ang hindi nabawi ang kanilang ini-invest na pera.
Dagdag pa ni Roldan, hayaan na lamang na ang mga otoridad ang magsasagawa ng imbestigasyon at maghanap sa mga nasa likod ng nasabing aktibidad.
Aminado naman ang opisyal na hindi nila mapipigilan ang mga tao na mag-invest ng pera ngunit nanawagan ito sa iwasan na ang magpaloko.