LEGAZPI CITY – Unti-unti ng bumabalik sa normal ang buhay ng mga residenteng biktima ng sunod-sunod na mga kalamidad sa Virac, Catanduanes ngayong papalapit ang kapaskuhan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Sinforoso Sarmiento Jr, nasa recovery rehabilitation na ang mga residente sa lugar na ngayon ay pinipilit na makabangon at maibalik ang mga kabuhayang napinsala ng mga nagdaang bagyo.
Kaya sa ngayon ay wala ring humpay ang pagbibigay ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang nanatili pa rin sa mga evacuation center matapos mawalan ng bahay.
Subalit sa kabila nito may mga bahagi na rin ng bayan ang halos balik na sa normal ang buhay lalo na sa mga poblacion matapos maibalik na suplay ang kuryente.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Sarmiento sa patuloy na buhos ng mga donasyon at suporta sa mga bikitm ng kalamidad.
Samantala malaking hamon naman sa lokal na pamahalaan ang mga umuuwing Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs) dahil sa kawalan ng quarantine facility sa bayan matapos masira ng hagupit ng mga bagyo.