CENTRAL MINDANAO- Tumanggap ng ayuda ang mga biktima ng nakalipas na lindol sa Kabacan Cotabato ng kanilang emergency shelter assistance (ESA) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD-12).
Isinagawa ng DSWD-12 at Provincial Social Welfare and Development (PSWD) sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Ang ESA ay nakatuon sa mga nasalanta ng nagdaang lindol sa rehiyon-12 na kung saan ang mga biktima ng lindol ang tumanggap ng cash assistance na kanilang magagamit para maayos ang kanilang mga bahay na nasira sa magkasunod na pagyanig.
Samantala, inilahad rin ni DSWD 12 PDO/DRPM John Kevin Camariñas ang mga programa ng ahensya sa ilalim ng KALAHI na pupweding makabenepisyo ang mga kabakeño.
Sinabi Kabacan Municipal Administrator Ben C. Guzman, na malaking tulong sa lokal na pamahalaan ang mga programa ng DSWD-12 at isa ito sa mga bibigyang prayoridad.
Nagpasalamat din si Guzman sa DSWD 12 sa pagsadya sa LGU sa mga programa nito na makakatulong sa taumbayan.