BUTUAN CITY – Magbibigay ng psycho-social intervention ang Department of Social Welfare and Development o DSWD-Caraga para sa mga residente ng Brgy. Siana sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte matapos ang mudslide na sumira sa 25 mga kabahayan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Marko Davey Reyes, tagapagsalita ng DSWD-Caraga, na kanila nang nabigyan ng tig-tatatlong kahon ng family food packs ang 266 na mga pamilyang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers pati na mga non-food items gaya ng kitchen kit, hygiene kit, sleeping kit at family kit.
Dagdag pa ni Reyes kailangan ang psycho-social intervention upang hindi maaapektuhan ang mental at emotional health ng mga apektadong residente lalo na yaong nakakita sa nasabing pangyayari.
Matatandaang naganap ang mudslide matapos bumigay ang tailing storage facility ng mining company na Greenstone Resources Corporation o GRC.