-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa kabila ng kalamidad na naranasan ng mga residente ng apat na Sitio ng Brgy. Kayaga Cotabato noong kasama silang napinsala ni Bagyong Odette, tumanggap ang 1,327 ng tigsampong libong tulong para sa kanilang pagbangon.

Mismong si DSWD Region XII Director Loreto V. Cabaya, Jr. ang nanguna sa pamamahagi kasama si Governor Emmylou Taliño-Mendoza.

Paliwanag ni Dir. Cabaya, tanging ang bayan lamang ng Kabacan sa buong Rehiyon ang nakapagsumite ng mga napinsala ng nasabing bagyo.

Dagdag pa nito, bagamat mapapasana-all ang lahat sa natanggap na ayuda, hiniling nito na sana’y huwag pangarapin na makatanggap lalo’t ang mga ito ay nasalanta ng kalamidad.

Samantala, hinikayat ni Gov. Mendoza ang mga nakatanggap na gamitin ang pera sa mga posibleng proyekto na makakatulong sa mga ito upang makahaon.

Nabatid na mula sa Sitio Malabuaya (688 Beneficiaries), Sitio Lumayong (400 Beneficiaries), Sitio Kibales (138 Beneficiaries), at Sitio Punol (121 Beneficiaries) ang tumanggap ng abot sa mahigit P13 milyong.